Monday, October 13, 2008

Ang aking Paglalakbay

Bago ang lahat nais kong magpakilala.

Ako si Mac isang ordinaryong tao na kayang kontrolin ang ARAW,ang LUPA pati na ang TUBIG at isama mo na rin pati ang APOY,isa akong malakas na nilalang kaya kong talunin si Batman pati na si Superman ako ang pinakamalakas na nilalang dito sa mundong ito,Muahahaha!!!Pero saka na natin yan pagusapan kasi wala yang kinalaman sa kwentong ito..

Ako si Mac isang ordinaryong tao na galing sa isang mahirap na pamilya na nais umunlad ang buhay.Nais magkaroon ng marangal at maginhawang trabaho.

Isang Araw…

ShinnnggggGGgggg!!!!!!!(sound effect)

Nagising na lang ako sa isang lugar na hindi ko alam..

Hindi ko alam kung nasaan ako..

“Anong lugar kaya ito?Bakit ako nandito?”tanong ko sa sarili ko..

Parang walang tao sa lugar na ito.

Isang lugar na napakatahimik,tanging ihip lamang ng hangin ang iyong maririnig..

Ganito ang tunog:

Shoooppp!!!Shoopppp!!!ShooooooopppppPPppp!!!(yan ay hangin na may kasamang buhangin)

“Buhangin????”

Puro buhangin ang lugar kung saan ako napadpad..

Isang lugar na maituturing nating Disyerto..

“Pero ano ang ginagawa ko dito?Bakit ako nasa lugar na ito?”

Isang itong misteryo sa buhay ko na ngayon lang nangyari..

Sa hindi kalayuan ay may naaninag akong imahe ng isang Misteryosong nilalang..

Lumapit ako sa kanya..

Dahan-dahan..

At sa paglapit ko sa kanya naaninag ko ang kanyang kaanyoan..

May katandaan na sya,medyo kulubot na ang kanyang mga balat,sya ay isang maputing lalake,mestiso kumbaga.

Hindi ko napigilan ang aking curiousity at ako ay nagtatanong sa kanya..

“Kuya GERMS ikaw ba yan?”


Ngunit hindi sya nagsasalita,
Masyado syang abala sa kanya ginagawa,
Mukhang seryoso syang tao!

Siya ay may pinagkakaabalahan na kung anong bagay..

Ako’y nausisa sa kanyang pinagkakaabalahan..

Nasa bandang likuran nya ako at sinilip ko kung ano ang ginagawa nya..

“OMG!!”

Nakaview sya sa isa mga Friends nya sa friendster,at Private photo ang tinitingnan nya..

Mga nakatwopiece na bebot ang tumambad sa aking inosenteng pagiisip at mga mata..

“Langya!!,Uso din pala sa lugar na ‘to ang friendster ah.”sabi ko sa isip ko lang..

Pero may mga tanong na biglang sumagi sa isipan ko..

Sino sya at ano ang ginagawa nya dito?

Pero mukhang hindi mapagkakatiwalaan ang matandang ito..

Pero no choice na ako kailangan ko syang tanungin,nagbabakasali ako na alam nya ang tanong sa misteryo kung bakit ako nandito sa lugar na ito.(Alangan naman kausapin ko ang mga buhangin ang magbakasakaling matulungan ako,kaya no choice diba?)

“Manong pwede po bang magtanong?

...Teka lang at ilolog-out ko itong account ko baka kasi mahack eh,mahirap na may mga private photo pa naman ako dito baka kumalat..Tugon nya!
...Ano ang aking maipaglilingkod sa iyo amang?

Nais ko lang po malaman kung nasaang lugar po ako?magalang na tanong ko sa kanya.

...Nandito ka sa mundo na kawalan..

HUH!!!bakit ako napunta dito?

...Abah!!ewan ko sayo!!

Manong alam mo ba kung paano ako makakabalik sa dati kong lugar?

...*sandaling nagisip ang matanda*
*may bumbilyang lumabas sa itaas ng kanyang ulo*
...Ahaa!!alam ko na..
biglang syang may inilabas na kakaibang bagay...
....JARANNNN!!!!..

waWwwW!!Ano yan time machine?Astig huh!..(namangha ako sa kanyang inilabas na bagay)

...Tanga!!hindi noh..celphone kaya 'to,ititxt ko lang ang mga friendship ko baka may alam silang paraan..

At sya ay nagsimulang magtext ng msg..

Pinindot ang “Send”..

Toooottt!!(message sending failed)

Inulit ulit ang pagsend..

Tooootttt!!(message sending failed ulit)

….What the hell!!,ayaw magsend nito ah,may problema kaya ang network?..

…ahaaa!!Wala nga palang signal sa lugar na ito,teka hahanap lang ako ng signal ha amang,..
Diyan ka lang huwag kang aalis ha!


Lumipas ang Isang Oras..

Dalawang Oras..

Tatlong Oras............

Wala pa rin yung misteryosong matanda...

Pakiramdam ko mawawalan na ako ng pag-asa ng mga oras na yun..
hay!!ano ba itong nangyayari sa akin..malas ko na naman..
Pero hindi dapat mawalan ng pag-asa,lahat ng problema may solution..


Beep!!Beep!!Beep!!
Narinig ko itong tunog mula sa kalayuan..
Sabay narinig ko itong sunod na tinig ng isang lalake..

…Oh....PAsay,Cubao!!
....Pasay,Cubao!!
.....Ali Mall!!

Nabuhayan ako ng loob at pakiramdam ko makakaalis na ako sa lugar na ito..
YESSS!!!...


BANG!!!!!!!!!!BANG!!!!!!!!!!!!!BANG!!!!!!!!!!!BANG !!!!!!!!!!!!!
boomMM!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
BOOmmMMM!!!!boommm!!!!
(action scene)

Anak ng Teteng sasakay na lang ako bigla pang nagkaroon pa ng giyera!!
Ano ba namang buhay 'to oh!
Gumapang ako papalayo sa putukan at pagsabog..

Mga Dalawang oras din siguro akong gumapang..(bakit pa kasi gumapang pa eh pwede namang tumakbo,niyahahaha!)

hanggang sa wala na akong marinig na pagsabog...

Pero nasaan na ako?

Pag bangon ko..

WAaWWW!!ang GAndang lugar,parang paraiso..Ang sarap ng simoy ng hangin..
"Mukhang napakapayapa ng lugar na ito ah,pero bakit parang walang tao?..."

Sandali akong pumikit ang nilasap ang sariwang hangin...
waw!!sarap ng pakiramdam..

Sa hindi kalayuan may nakita akong isang imahe...
Medyo lumapit ako ng konti..
waWW!!isang magandang babae..
Lumapit pa ako ng konti..

waWW!!ang ganda ng buhok,ang kinis ng balat..

tinawag ko sya..
hi miss!!!!!
wit wiwwwWW!!!

lumingon sya syempre
paglingon nya..

waWW!!si MARIAN RIVERA ah...
Minsan talaga may swerte din sa buhay ng tao..
niyahahaha!

Syempre nagusap kami.

kamusta ka?
...ok naman
ano ginagawa mo dito?
...wala lang,gusto ko lang..eh bakit ikaw nandito ka?
hindi ko nga alam eh,kanina nasa disyerto lang ako ngayon nandito na ako..
ano palang lugar ito?
...ito ang tinatawag naming paraiso..
woWwwWW!!astig huh!paraiso?astig talaga ah!wala na bang ibang tao dito?(ehemm nagbabadya ng masamang balak..niyahahaha)
...meron
sino?(sayang meron palang kasama)
...sya oh..



woWW!!naman astig talaga..
si DING DONG DANTES..

nga pala may alam ba kayo kung paano makaalis sa lugar na 'to?

...meron...
pwede mo bang ituro sakin kung saan?
...pwede,Sundin mo lang ang daloy ng batis na yan.sa Pinaka dulo ng batis may makikita kang ermetanyo,pwede syang tanungin.masasagot nya ang iyong mga katungan..
sige!!sige!!tutuloy na ako..

at ng papaalis na ako lumingon ako sa kanila para magpasalamat..
pero wala na sila,bigla na lang silang nawala..

"ASTIG parang magic,parang pelikula yung dating ah..."

Sa aking patuloy na paglalakad,nakaramdam ako ng pagod at uhaw.

“Hay!!nakakapagod naman oh,pwede kayang uminom dito sa batis?
Naku baka may Lason yung tubig(galing sa lumubog na MB princess of the star) mahirap na,hwag na nga lang"

Sandali akong nagpahinga para mapawi ang aking pagod,pero nauuhaw naman ako..
Napatingin ako sa batis,abah!!at akalain mo meron inaanod na getorade..
WowWW!astig..niyahaha kakaiba talaga itong lugar na 'to..Pero hindi ko pa rin maintindihan ang mga nangyayaring 'to sakin.
Bakit ba ako napadpad sa ganitong lugar???
Anong lugar 'to????
Ang daming gumugulo sa aking isipan..

Bakit???Bakit!!!!Bakit???!!!
Napasigaw ako..
Bakittttttttt????!!!!!!!!!!!!!!!!

Biglang may nagsalita...

.....sssshhhhh..wag kang maingay...

HUh!!sino ka?

....Sssshhhhhhhh!!!

Sino ka nga???

.....shhhhhh!!!ako si tom cruise.

huh!!tom cruise??astig huh!!nasaan ka?

.....sshhhh..nandito ako sa baba mo?

saan?

...eto oh..ssshhhh


huh!!??!!isa kang ahas?

...obuse ba?ang tanga mo naman nakita mo na ngang ahas eh magtatanong ka pa!shhhhh

hahaha..astig huh!nagsasalitang ahas..ang bangis!

....ano ba ang ginagawa mo dito sa tabi ng batis?shhhhhh

wala nagpapahinga lang ako dito,kasi pupunta ako dun sa ermentanyo magpapatulong kasi ako kung paano ako makakabalik sa lugar ko..

Biglang may tumunog *nokia tune*
*nokia tune*

.....ssshhh....teka lang ha..may tumatawag sakin,(nilabas ng ahas ang cellphone nyang high end,,n73..astig!!)
......sshhh,,,baka yung katxtm8 ko na ito makikipag eyeball kasi...ssshhh!!excuse me muna ha!..ssshhhh

(hahahahaha,astig 'tong ahas na ito ah,may cellphone pa..niyahahaha...sabi ko sa isip ko lang..)

Makalipas ang ilang minuto bumalik na yung ahas na si tom cruise.....

Kaibigang ahas baka matulungan mo ako kung saan ang tamang daan pamutan dun sa ermetanyo..

....ssshhhh,sundin mo lang yang batis hanggang sa dulo..makikita mo ang hinahanap mo..shhhh..

Sige kaibigang ahas..maraming maraming salamat...

....walang anuman,ssshhhh..Tugon ng ahas na si tom cruise...
....ssshhhh..ooooopppsss teka lang baka pwede na ring makisuyo sayo..

sige ano yun kaibigang ahas?

....baka may madaanan kang nagee-load dyan,paloadan mo naman ako 30 lang sa smart,maguunli kasi ako eh..sssshhhh.ito ang pera oh..ssshhh..salamat ha!

ok walang problema kaibigan....

at nagpatuloy na naman ako sa paglalakad...

Syempre obuse naman,naglakad lakad na naman ako,(eh ano ba naman ang magagawa ko eh di maglakad lang ng malakad yung naman ang papel ng karakter ko dito eh..niyahahaha!)

“At sa hinaba haba ng aking paglalakad nakarating din ako sa aking paroroonan,
Ngunit ito nga ba ang dapat kong puntahan?
Anong lugar na naman ‘to?
Anak ng tokwa talaga oh!Saan na naman ba ako napadpad?..
Wala namang emermetanyo dito.
Ayyy buhay naligaw siguro ako,pero sinunod ko naman ang sinabi nilang instraksyon..
Anong lugar kaya ito?

Sa hindi na naman kalayuan may nakita na naman syang mga nilalang..
Tatlong mikikisig at misteryosong mga lalake..



WoWW astig!! The Apo Hiking Society…Astig talaga mga idol!!!wooOOO!!!
Mga idol baka pwede nyo po akong tulungan…
Idol 1: sige ano ba aming maitutulong sa iyo?
>Hinahanap ko po kasi yung ermetanyo eh,naliligaw po kasi ako..
Idol 2: Eh bakit mo naman hinahanap yung ermetanyo?
>Siya po kasi yung makakatulong sakin para makabalik sa lugar ko..
Idol 3: yung ermentanyong hinahanap mo ba eh,may balbas?may tungkod?matanda na?
>Opo!yun na nga po malamang ang hinahanap ko,alam nyo po ba kung nasaan sya?
Idol 3: Eh hindi ko alam eh..
Idol 1: Eh ikaw totoy alam mo ba kung nasaan yung ermetanyo na yun?
Idol 2: Saan ba yun matatagpuan?
>Oo naman,kayo lang ang mahina eh,nandun yun sa dulo ng batis,hahahaha!..

At syempre hindi na ako nagtagal sa pakikipagusap sa aking mga idol kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad. (na lagi kong ginagawa sa kwentong ito)

Hindi pa ako nakakalayo sa aking pinang galingan may naramdaman agad akong kakaiba..
Sa daan na aking tinatahak!
Anak ng salabat,nakatapak pa ako ng TAE..
Malas talaga!!!

Dahil sa nainis ako sa TAE itinapon ko na lang ang isa kong tsinelas,itanapon ko na rin yung kapareho para kung may makakuha man,magagamit nya..(hango ito sa libro ni RIZAL “Alamat ng Ibong Adarna”)..

Halos isang oras din akong naglalakad..
Sa hindi kalayuan may nakita na naman akong imahe,ito na yata ang sinasabi nilang ermetanyo..

YesSS salamat at ito na ang kasagutan sa problema ko makakauwi na rin ako..!!

Nang makita ko ang ermentanyo mula sa kalayuan,nagmamadali akong lumapit sa kanya..


Habang papalapit ako sa ermetanyo,parang biglang bumagal ang oras..
Ang bagal ng galaw ng aking paligid,parang biglang..

Bigla akong nakaramdam ng kakaiba..

Anak ng tokwa ng LBM pa yata ako...
Buti na lang may dala akong emodium..
(one dose,one hour LBM ay tapos)

Papalapit na ako ng papalapit sa ermetanyo..
Kinakabahan ako hindi ko alam kung bakit..

At ito na malapit na malapit na..

Isang hakbang na lang..

Eto na...

At..

Biglang.....

(Suspense)


Wala lang,Wala naman nangyaring kakaiba....Masyado lang siguro akong pagod kaya kung ano-ano ang aking naiisip...

At dumiretso na ako sa ermetanyo..
Tinanong ko sya agad tungkol sa aking pakay sa kanya..

Mamang ermetanyo,pwede nyo po ba akong matulungan????

...AHummmmm!!!!!

Manong pwede nyo po ba akong tulungan sa problema ko?

...AhuMMMMMmm!!!

Tanda pwede po bang magpatulong?

...ahummmMMM!!!

Mamang matanda pwede nyo ho ba akong tulungan sa problema ko ngayon?

...ahummmmmMMM!!!

Ilang beses akong nagtanong pero ahummm lang ang nagiging sagot sa akin ng ermetanyo..

Nagbakasakali ulit akong magtanong sa kanya..


PsssTt!!Mamang Cute saan ba ang daan pauwi sa lugar ko?

...ahummmmmMMMMMM!!!!

Ngunit ganun pa rin ang sagot sa akin ng ermetanyo..

Naiinis na ako kasi gustong gusto ko ng umalis sa lugar na 'to..
At hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Nasigawan ko ang ermetanyo..

"HOYYYYYYY!!!!!Taena naman manong oh,kanina pa ako tanong ng tanong dito,hindi nyo naman ako pinapansin..
Anak ng Putakte naman eh,Ano ba ang gusto nyong mangyari ha????!!!!"

At wariy nagulat ang ermetanyo sa aking malakas na sinabi.

...Ano ka ba naman ha!!!..Hindi mo ba nakikitang Umeebak ako ha!!?..MAghintay ka nga dyan..

(Niyahehehehe..hindi ko napansin na tumatae palang yung ermetanyo..)

Ah ganun po ba,pasensya na ho..(tao lang nagkakamali rin,harhar)

At makalipas ang labinlimang minuto....

Natapos din ang ermetanyo..
Lumapit sya sa akin habang nagpupunas ng kanyang kamay..

...Oh iho ano ba ang aking maitutulong sa iyo?

Nais ko po sanang itanong sa inyo kung paano ako makakabalik sa lugar ko,may nakapagsabi ho kasi sa akin na kayo daw po ang makakatulong sa akin...

...Ah ganun ba..Sige teka lang ha iho..

At habang naghihintay ako,may napasin ako sa kanyang itsura..
Maputi na ang buhok ng ermetanyo..Kulabot na ang kanyang mga balat...May katandaan na sya talaga..
PArang medyo hawig sya ni...

ni....



EDDIE GARCIA

(niyahahaha,astig talaga tong lugar na 'to..Star Studded...
sabi ko sa isip ko lang)

At nagsalita na ang ermetanyo,Habang inilalabas nya ang Astig nyang LAPTOP..(apple ang tatak sa likod)

...oh iho makapaghihintay ka pa ba ng sampung minuto pa?

Sige po..Maghihintay po ako..(wala akong magagawa,kasi sya lang ang makakatulong sa akin

At nagLog-in na ang ermentanyo sa Yahoo Messenger nya...

..........Biglang may nagBuZZ!!...........

At may nagPop-up sa Screen..
At ito ang nakalagay..

"Buksan mo ito nakakatuwa..Funny UST scandal..."

klinose na lang ng ermetanyo kasi alam nyang virus yun eh...

Hindi ko na tiningnan ang naging konbersasyon nya sa kachat nya....
Kasi may nakalagay ng Private Message eh..

Makalipas ang Sampung minuto....
Natapos na ang konbersasyon ng dalawang chatters!!

...oh!iho ayos na...Makakabalik ka na sa inyo...

Biglang Lumiwanag ang kalangitan..
Nagbabaan ang mga anghel..
Kumanta ng..
*Halelujah*
*Halelujah*
*Halelujah*

...Oh iho saan nga pala ang lugar mo?

Tsinnnkkkk!!!
Tsinnnkkkk!!!
Tsinnnkkkk!!!
Parang nablanko ang isipan ko,hindi ko matandaan ang lugar ko..
Anak ng tipaklong nagkaamnesia na pa yata ako..

Ayyyy!!!napaka malas talaga ng buhay...

Nagtataka ako kung bakit ako nagkaamnesia..
Hindi naman tumama ang ulo ko sa kung saan pero parang nablanko ang isipan ko..
Sa tingin ko hindi amnesia itong nangyayari sa akin..
Ito yata ang tinatawag nilang memory gap..

At

biglang

umikot ang paligid..

at umikot pa ng umikot..

at umikot pa ulit...

at umikot na naman..

at ayaw pang tumigil ng pagikot...

"waaaaaaa!!!!nahihilo na ako..."

at biglang tumigil ang pag ikot..

biglang naging kulay puti buong paligid...

at biglang nagkaroon ng ipo-ipo..

shoooommmmmm!!!!!

at lumakas pa ang ipo-ipo..

Shooooooooooooooooooommmmmmmmmmmmmmmm!!!!!!!!!!!!! !!!!!!!!

at biglang na lang may lumabas na misteryosong nilalang na naman..
nakakulay black sya..at parang namumukhaan ko sya..

si...


si

si...


sya si..




JACKIE CHAN

astig talaga!..

at meron sya bitbit na isang bagay...

lumapit sya sa akin..

dahan dahan..

mabagal ang lakad nya..
naglalakad sya na ganyan pa rin ang pause tulad ng nasa picture..
parang laging may kalaban..

huh?!!!hindi kaya kalaban ito?(sabi ko sa isip ko lang)

at papalapit na sya..

malapit na malapit na..

ayan na.........................

(suspense)

biglang nyang inabot sa akin itong bagay na ito:

Memo Plus Gold

Iba ang lenguahe ang kanyang sinasalita...
Pero astig at naiintindihan ko sya..

ito ang aming naging konbersasyon - nagusap kami sa ibang lenguahe,pero meron naman tranlation para iyong maintindihan..

Mr.J: Pong chuwala!(abutin mo ang bagay na ito)

ako: Chi chi ri kong koila?(para saan po ito?)

Mr.J: Butse kik,,ek-ek-ek(ito ang makakatulong sa iyong problema.)

ako: Bo bochichang,Chi chiri kong tong nang (ah,makakabalik po ba ang aking ala-ala dito?)

Mr.j: Chiri wong tong choi, toro kong tong loy (ou naman tested ko na yan 101%.)

ako: Chidang bo bochichang chiri kong nong nang (aba ok 'to ah!maraming salamat po..)

Mr.J: Chiring cho ro yak kang kong o-ohup butse kik ek-ek-ek (Sige ipagpatuloy mo ang iyong paglalakbay at ako ay hahayo na!)

At bigla na naman akong nabuhayan ng dugo..

At ininom ko ang ibinigay sa akin ni jackie chan..

at biglang..

umikot....

umikot na naman ng matulin..

matulin na matulin..

at tumulin pa..

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!

at tumigil na rin sa wakas..

At bumalik na naman ako sa harap ng matandang ermentanyo na may astig na laptop...

At sa wakas na alala ko na ang lahat ng dapat kong maalala..Pati yung utang ko sa kapit bahay kong nagweweteng(jueteng) eh naalala ko na rin..
Pati ninakaw kong panabong ni Mang Tembo eh naalala ko rin...

Halos lahat naalala ko na...
"Yessss!!!! Ang bangis talaga!"

At syempre sinabi ko na sa ermetanyo ang lugar ko..

"Mamang Ermetanyo ang lugar ko po eh sa isang matahimik na lugar...
Ang bahay po namin ay nasa bukirin.
Isang tahimik na lugar na malayo sa polusyon ng mga sasakyan..
Gusto ko na pong bumalik sa amin..."

At inilabas ng ng Ermetanyo ang kanyang MAGIC WAND na star ang dulo ang may kulay pink na ribbon..


"Ang taray ng Ermetanyo,Bonggang Bongga ang Magic WAnd"..(sabi ko sa isip ko lang)

at ikunumpas ng ermetanyo ang kanyang bonggang bonggang magic wand..
sabay binigkas ang orasyon..

"Bumaliketch sa kung anech anech na chuva ever,eklabumbastic wantutri eklat eklat..."

at biglang..........

SHINNNNNNGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! !!!!




­­­­­­­­­

At ito na parang nararamdaman ko na.

Pakiramdam ko makakabalik na ako sa aking lugar,(ay salamat naman)..
Para akong lumilipad,para akong si Superman..
Zoooommmmm!!!
Kung titingnan ko ang aking paligid ibat-ibat kulay ang aking nakikita..
At kung titingin ako sa dulo,may nakikita akong parang lagusan..

Parang Daan...

"oo nga isa nga itong lagusan..."

Papalapit na ako ng papalapit sa lagusan..

ayan na..

malapit na..

malapit na..

malapit na...

Isang dangkal na lang ang layo..

ayan na nakikita ko na...

Zoooooommmmmmm!!!!!

--------------

At paglabas ko mula sa lagusan..

Nandito na ako sa isang ngang tahimik na lugar..

Mga huni ng ibon lamang ang maririnig..

Mga punong kahoy ang nasa paligid..

Isang napakatahimik ngang lugar ito..

"PERO"
"NGUNIT"
"SUBALIT"
"DATAPWAT"

Hindi ito ang aking lugar..

Mukhang nagkamali yata ang ermetanyo sa kanyang ginawa..

"AYYY!!naku napakabobo naman ng matandang yun oh!"

At bigla akong may naririnig mula sa aking likuran...

TWEEETT!!!

TWEEETT!!!

TWEEETTT!!

TweEETTT!!

At sa aking paglingon may nakita ako..

Isang...

ISang...



"Huh!!!Isang punk na IBON?Rocker?Rock en roll?"(nagulat kong sambit)
Habang may tumutugtog ang background music na ang title ay rock baby rock...

Nakatitig sa akin ang ibon..
Parang syang nagulat sa aking pagdating,ngunit walang reaksyon sa kanyang mukha..

Binati ko ang ibon sa malumanay na paraan..

"HEy!!Ibon Whats up?What are you doing out there huh!?"

Subalit wala pa rin reaksyon sa kanyang mukha..
mukhang hindi naintindihan ng ibon ang aking sinabi ah..
Inulit ko ulit ang aking pagbati sa kanya..

"Pareng Ibon kamusta ka naman dyan?Ano ba ang ginawa mo dyan sa taas ng puno ha tol?"

Ngunit wala parin reaksyon ang ibon..
Umiral na naman ang aking pagiging mainitin ang ulo..
Nainis na naman ako at ganito ang sinabi ko sa ibon..

"Taena kang Ibon ka ha!.Bobo ka ba ha?!hindi mo ba ako naiintindihan huh?!"

Biglang nagulat ang ibon,Parang nagpantig yata ang kanyang tenga..
Biglang sumagot ang ibon..

....TWEEttttt!!!tweett!!tweeettt!!tweeett....Tweee tttt!!tweeet tweett tttt!?
(Eh Loko ka pala eh,ano ba gusto mong mangyari ha?)

Nagulat ako sa pagsagot ng ibon..At nagulat din ako sa sarili ko kung bakit naiintindihan ko ang lenguahe nitong ibon na 'to...

HuH!!...Kanina kanina pa kasi kita tinatanong dyan eh,hindi mo ako pinapansin..

....Eh sino ka ba Huh!?ANo ginagawa mo dito sa aking teitoryo ha?

Ha!Ewan ko kung bakit ako nandito..

(Mukhang mayabang itong ibon na 'to ha..Napakaangas magsalita,akala mo kung sino ah..Patulan ko kaya ito?)SAbi ko sa isip ko lang..

...Nangahas ka pumasok sa akin teritoryo,hindi mo ba ako nakikilala huh?

Hindi kita kilala,At wala akong pakiaalam kung sino ka man,kaya wag kang mayabang na ibon ka..Paano mo naman nasabing na teritoryo mo ito..Sayo na lahat 'to ha?

...OO,nakita mo ba yang MALL OF ASIA?

OO!

...Ako ang may ari nyan..
...EH yang ENCHANTED KINGDOM,kita mo yan sa bandang kanan mo?

OO,kita ko nga..

....HAHAHA!!sa akin din yan..Eh yang STAR CITY,kita mo ba yan sa bandang kaliwa mo?

OO,kita ko rin yan..

....MUAHAHA!!sa akin din yan,Eh yang GREAT WALL OF CHINA,kita mo ba yan?YAng nasa likod mo ha?

OO,at huwag mong sabihin sayo yan?

....HINDI,bakit masama bang ituro yan..Yan GREAT WALL OF CHINA na yan sa kapitbahay namin yan..hahahahaha!...

(LOko!!pala itong ibon na 'to ah,Pilosopo!)sabi ko sa isip ko lang ulit.

HOY!!!!!ibon niloloko mo ba ako ha?Wag kang magyayabang sa akin sapagkat isa akong anak ng mayamang pamilya..
nakikita mo ba yang CHOCOLATE HILLS na yan sa likod mo?
eh yang HUNDRED ISLAND na yan sa kaliwa mo?
pati Yang BORACAY sa bandang kanan mo?

...OO nakikita ko lahat yan,kasi hindi ako bulag..EH bakit sayo ba lahat yan ha?

HINDI,bakit masama rin bang ituro lahat yan?..BWAhahahahahahaha!!..

Mukhang nagkakapikunan na kami nitong rocker na ibon na 'to..
At tuluyan ng bumigay ang aking galit,At hindi na rin napigilan ng ibon ang inis nya..

At biglang..

biglang may lumabas na Awra sa buong katawa ng ibon..Naging kulay dilaw ang kanyang buhok..(isa na syang super sayan)

at syempre hindi ako magpapatalo sa ibon na 'to..

Inilabas ko ang 50% porsyento ng aking lakas...(TAGURO)

At nagpalitan muna kami ng salita..

Hoyy!!ikaw ibon...hindi ka ba natatakot sa aking lakas ha?ito ang 50% ng aking lakas..

....hahahaha!hindi ako natatakot sayo gung-gong..Ikaw ang dapat matakot sa akin,isa na akong super sayan..tweeet tweet!!

Sige umpisahan na natin ang labanan..

At sinimulan na namin ang aming labanan..

Hinintay ko muna syang sumugod,dahil ang balak ko eh bigyan sya ng counter attack na malufet parang yung style ni erick "el terible" morales ang gagawin ko..

Ngunit hindi sya sumusugod..
Pero naghintay pa rin ako kasi ayokong baguhin ang aking gagawin istilo sa pakikipaglaban sa kanya..

Lumipas ang Kinse minutos,hindi parin sya sumusugod..

Napaisip tuloy ako..
"Hmmm,mukhang may binabalak yata itong ibon na ito ah.."sabi ko sa isip ko lang

At naghintay pa rin ako..
At lumipas na naman ang kinse minutos wala pa rin nagaganap na laban..

Pero hinintay ko pa rin sya..

At lumipas na naman ang Kinse minutos,wala pa ring nangyayari..

Pero hindi muna ako naubusan ng pasensya at naghintay pa rin ako..

Lumipas ulit ang kinse minutos at wala paring nangyayari..

Medyo nababanas na ako sa ibong ito,at hindi ko napigilan ang sarili ko..

Binasag ko ang katahimikan sa isang malakas sa sigaw..

HOyYYYY!!!!Ibon bakit ba ayaw mong sumagod ha?!Wala ka bang gagawin dyan ha?
Simulan na atin ang laban!!!!!

>Gung-Gong ikaw ang sumugod sa akin dahil bibigyan kita ng isang malufet na counter attack!!..tugon ng ibon

Kaya naman pala hindi sumusugod ang ibon eh yun din pala ang istilo nya.
Abno talaga itong ibon na 'to..

Nagisip ako ng paraan para maumpisahan na ang labanan namin..

TININGG!!!!!!!...(may lumabas na bumbilya sa aking ulo)

Alam ko na sige sabay na lang tayong sumugod para walang lamangan..

>Ok sige..tugon ng ibon



At sabay nga kaming sumugod..

Sinugod nya ako.
At sinugod ko rin sya..
Kaya nagsudodan kaming dalawa..

At ito na...


HUmanda kang ibon ka!Tikman mo ang aking lakas..

>TWEeeTT!tweeTTT!!TIngman mo ang bangis ng aking kamao..

At kami ay nagsalpukan..

At..



PArang bomba ang aming naging salpukan..

Kablag!!!!!!!

Kabusshhhh!!

Tenyannnnnggg!!!!

TIngyaw!!!!!..

Beng!!!beng!!!!beng!!

BEEPPP!!!!BEEPPP!!!

BROOMM!!!BROooommm!!!

maingay ang aming naging paglalaban....

Ang biglang tumunog ang bell..
Teng!!TEng!!Teng!!

Tapos na pala ang round..
At biglang lumabas si....

si???

si???


Ronaldo Valdez??tatay ni janno gibbs..


Ngunit ano ang ginagawa nya dito?
Ano ang kanyang pakay?

At dahan dahan syang lumapit sa akin..

May ibinulong sya sa akin..

Ito ang ibinulong nya..

(tagalog na lang ha,mahirap magenglish eh,haha)
Tirahin mo sa bodega sigurado mamalipit yan sa sakit,tapos sabayan mo ng uppercut,then right hook..tapos straight punch..
Sige goodluck sayo!

Shooommmm!!
At bigla na lang naglaho si ronaldo pagkatapos nyang bumulong sa akin..

Teng!!teng!!teng!!

at nagumpisa na naman ang laban..

At ito na,sabay na naman kaming sumugod..

Nagpakawala sya ng isang napakalakas na straight punch..

>HUmanda ka sa malakas kong suntokk!!!!!!!!!!!!!!!waaaaaaa!!!

habang papalapit sa akin ang suntok nya eh,parang nagkakaroon ng apoy ang kanyang kamao..
Parang naging hugis dragon ang awrang apoy sa kanyang kamao!!
Tapos naging hugis Tigre naman..
At naging Agila naman...
Tapos naging SHARK!
Tapos naging LION!
TApos naging GAGAMBA!!
TApos naging BUTIKI!!
Tapos naging ITIK!!

waAAAAAAAAAh!!!!!!!!!

(Slow motion)

malapit na ang kanyang kamao sa akin..

MAbagal..

Ayan na!!

Malapit na malapit na..

Nakakaramdam ako ng init na papalapit sa aking mukha..

At...

(Balik sa dating normal na motion)

Tumama sa akin ang kanyang kamao..

Kabammm!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

SApul na sapul ako ang aking mukha..

Tumilapon ako sa malayo..

At tumama sa isang malaking BAto.
Pagkatama ko sa bato,ito ay nabasag dahil sa lakas ng impact ng aking pagkakatama..

Dinilat ko ang aking mga mata..
Dahan Dahan...

Nakita ko papalapit sa akin ang ibon..
Dilat ko ang aking Mata..

At nagulat ako sa aking nakita..



Huh!!!ASERO????ikaw ba yan?

>HAHAHAHAHAHA!!!

Tawa lang ang tugon sa aking ng nilalang..

>hahahahahahaha!!!

Tawa ng tawa yung nilalang..
at bigla syang nagsalita..

>hahahaha!katapusan mo na ngayon..

Bibigyan nya ako ng malakas na sinuntok..

>waaaaaaa!tikman mo ang bangis ng aking malakas at malupit ng kamao!!!!!

Parang biglang nabuhay ang diwa ko,hindi pala sya si asero sya pala yung ibon na kalaban ko..

At..Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi sakin ni ronaldo valdez yung trainer...
"Tirahin mo sa bodega sigurado mamalipit yan sa sakit,tapos sabayan mo ng uppercut,then right hook..tapos straight punch..
Sige goodluck sayo!"


At ng akmang tatama na naman sa mukha ko ang suntok ng ibon.

Bumangon ako ng mabilis

(slow motion ulit)

ginawa ko ang sinabi ni ronaldo..

Isang Malufet na counter punch ang nangyari..

ISAng Malupet na suntok sa bodega ng ibon ang aking unang ginawa!..

Sinundan ko ng isang uppercut

TApos binigyan ko sya ng right hook!

at tinapos ko ng straight punch.!!!

WAaaahhhhhh!!!!

BAgaAaaaaMM!!!!

TAob ang ibon..

"WAhahahahaah!ang galing ko talaga.."

Biglang may lumabas na referee sa gitna ng aming labanan..



AYan nagumpisa na syang magbilang!

1

2

3

4

5

6

7

8

9

10
...........


teng!!!teng!!teng!!
tumunog na ang bell..
Isang hudyat na tapos na ang laban...
Ako ang nagwagi sa aming labanan ng ibon..

ITUTULOY..